15,000 doses ng injectable PrEP laban sa HIV, darating sa Pilipinas sa PH–US partnership
by France Louie Palos
1 month ago
Inaasahang darating sa Pilipinas ang 15,000 doses ng injectable Lenacapavir (LEN), isang anyo ng pre-exposure prophylaxis (PrEP) na ginagamit bilang proteksyon laban sa HIV, sa ilalim ng isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Lunes.