Gatchalian ikinatuwa ang takbo ng impeachment trial

France Louie Palos
By France Louie Palos Graphics by Joshua Lian Cawilan Copyedited by Axel Delino July 23, 2026 at 12:00 AM

Ikinatuwa ni Senate President Sherwin Gatchalian ang maayos na takbo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kasabay ng pagpuri sa maayos na koordinasyon, seguridad, at pagproseso ng mga subpoena sa Senado sa isinagawang press briefing nitong Huwebes, Hulyo 24.

Ayon kay Gatchalian, hindi niya inaasahang tatalakayin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang impeachment trial sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) dahil tungkulin ng Senado ang pag-dinig sa naturang kaso at nananatili itong hiwalay sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

Sa halip, hinimok niya ang Pangulo na bigyang-diin sa SONA ang pagpapasigla ng ekonomiya at pagpapatupad ng mga reporma laban sa korapsyon, lalo na kaugnay ng isyu sa flood control projects. 

Aniya, bumaba na sa 3.5 hanggang 4.5 porsiyento ang inaasahang paglago ng ekonomiya mula sa naunang target na lima hanggang anim na porsiyento, na maaaring makaapekto sa pagbawas ng kahirapan at paglikha ng trabaho.

Binigyang-diin din ni Gatchalian ang pangangailangang palakasin ang transparency at pananagutan sa pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan upang maiwasan ang pag-uulit ng mga iregularidad.

Sinabi rin ng Senate President na pagtutuunan ng Senado sa ikalawang regular na sesyon ng 20th Congress ang mga panukalang magpapabilis sa pagbangon ng ekonomiya at magpapalawak ng social safety nets, kabilang ang mga priority bill ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ang AICS bill na naglalayong gawing institusyonalisado ang Assistance to Individuals in Crisis Situation program, at ang Geriatric Hospital bill na naglalayong magtatag at magpalawak ng mga ospital at serbisyong pangkalusugan para sa mga senior citizen.

ABOUT THE WRITER

France Louie Palos

France Louie Palos

News Desk Staffer

France Louie Palos is a JourKnows Staffer under the News Desk Department

Community Discussion