
Nananawagan ang mga opisyal ng kalusugan na huwag magpabaya sa mga pag-iingat kahit pa mababa ang panganib ng bagong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Hinimok ng pamahalaang-lungsod ng Maynila ang publiko na muling magsuot ng face mask kasunod ng inilibas ng datos ng datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), na nagpakita ng matarik na pagtaas ng mga kaso sa nakaraang tatlong linggo.
”Everyone is advised to wear a face mask, avoid crowded places, continue practicing physical distancing, stay at home if feeling unwell and seek urgent care if needed,” ayon sa Manila City Health Department.
Umabot sa 84 ang naitalang kumpirmadong kaso sa Quezon City mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 1, mula sa 23 na kaso noong Mayo 21 hanggang Hunyo 10, katumbas ng 265 porsiyentong pagtaas ayon sa QCESD.
Sa kabila nito, nagpaalala ang mga opisyal na hindi ito dapat ikabahala dahil karamihan sa mga kaso ay banayad lamang.
”While there has been an increase in cases, they still represent a very small percentage of our total population. We are not seeing any clustering of cases, and all reported infections have been mild and isolated,” ani QC Mayor Joy Belmonte.
Ipinaliwanag rin ng Department of Health (DOH) na kailangang maingat na basahin ang datos, dahil hindi umano makapagpapakita ng tunay na larawan ang porsiyentong pagtaas kung maliit lamang ang absolute number ng mga kaso.
”The 256 percent increase does not accurately reflect the small absolute number, and requires much caution in interpretation,” paliwanag ng DOH.

