
Pansamantalang isinantabi ng Senate impeachment court ang isyu sa sealed box mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos ang pre-trial conference para sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.
Kaagad na humarap ng mga reporter si House prosecutor Terry Ridon matapos ang sesyon upang linawin ang kalagayan ng kontrobersyal na ebidensya.
Inamin ni Ridon na hindi natuloy ang pagmamarka at pagbubukas ng kahon sa araw na iyon.
”Hindi namarkahan at hindi nabuksan ngayong araw. The Clerk of Court cannot rule on the manifestation on the box. It will wait for the comments of the Defense, and we’ll subject the matter to the Senate impeachment court upon reconvening,” ani Ridon.
Sa kabila ng pagkaantala, ipinaubaya na lamang nila ang isyusa buong korte.
”Ultimately, we leave it to the Senate impeachment court to make that determination,” dagdag pa ni Ridon.
Dagdag pa rito, sinabi ni Ridon na hihintayin muna nila ang panig ng depensa bago tuluyang magpasya ang impeachment court kung paano haharapin ang isyu sa kahon.
”Gusto rin ng Defense to be able to state their comment on the manifestation. We will wait for it and they will submit it tomorrow, at the earliest, and it will be the Senate impeachment court to decide,” pahayag nito.
Bilang isa sa mga prosekyutor mula sa Kamara, malinaw ang pahayag ni Ridon na hindi titigil ang panig ng prosecution sa kanilang adbokasiya na buksan ang kahon at gawing opisyal na ebidensiya ito kapag nagsimula na ang paglilitis.

