Hontiveros, itinangging may paunang hatol na ang mga senador sa impeachment ni VP Sara

John Brent Abo
By John Brent Abo Graphics by John Rey Maduro Copyedited by Axel Delino June 21, 2026 at 12:00 AM

Tinanggihan ni Senador Risa Hontiveros ang mga paratang na may paunang hatol na ang mga senator-judge sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte, at sinabing kailangan munang marinig ng Senado ang mga argumento ng magkabilang panig bago magdesisyon.

“We are waiting for the first time, finally, marinig anumang ebidensya, mapakinggan, maaring matanong ang sinumang mga witnesses na iharap sa amin, both ng prosecution at ng defense,” saad ni Hontiveros sa isang media interview sa Cebu City. 

Ito ay siniguro ng senador matapos ang mga tanong na itinaas na hindi na umano susuriin ng Senado ang mga ebidensya at magdedesisyon na lamang sa kasong impeachment. 

Pinabulaanan ni Hontiveros ang mga pahayag at sinabing nanumpa ang mga senador bilang senator-judges at handa silang gampanan ang tungkulin nang walang kinikilingan. 

Sinabi niya na ang Senate impeachment court ay nagsagawa na ng kanilang pre-trial, kung saan ang mga dokumento at paunang usapin ay tinalakay, ngunit idiniin niya na ang trial proper ay nananatiling yugto kung saan ang mga partido ay maghaharap ng kanilang mga kaso.

 “So, I think impossible na mag-decide na lang kami at the outset. Kasi paano namin gagawin? Hindi namin puwedeng gawin ‘yun unless marinig po namin itong lahat ng ito,” ani Hontiveros. 

Sinabi rin ni Hontiveros na ang mga testimonya, dokumento, at ebidensiya na ihaharap sa paglilitis ay gagamiting gabay ng bawat senator-hukom sa pagboto sa kaso na nakatakdang magsimula sa Hulyo 6.

ABOUT THE WRITER

John Brent Abo

John Brent Abo

JourKnows Staffer

John Brent Abo is a news writer with several years of experience in campus journalism. His work primarily focuses on stories that demand to be heard, specifically highlighting issues and experiences often overlooked by society. Through his writing, Brent dedicates himself to those struggling to have their voices recognized and understood. Outside the newsroom, he enjoys spending time with animals and watching boys’ love films and series.

Community Discussion