
Nanawagan ang August Twenty-One Movement (ATOM) noong Hunyo 14, 2026 kay Senador Alan Peter Cayetano dahil sa paggamit ng “Laban” sign sa kanyang livestream noong Hunyo 12, at sa paghahambing ng kanyang sarili sa yumaong senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
“Laban po ibig sabihin nito, hindi lapastangan, kasi mukhang kay Senator Cayetano, baka iyon po ang ibig sabihin, at medyo nilalapastangan ang institution ng Senado,” saad ni ATOM president Volt Bohol sa isang Walk Against Corruption Initiative sa Makati City.
Sinabi rin ni Cayetano na walang pamilya ang may hawak na monopolyo sa pangalan ni Ninoy Aquino o sa mismong kabayanihan.
Binigyang-diin niya na hindi niya ikinukumpara ang kanyang sarili o ang kanyang grupo kay Ninoy, ngunit kinikilala niya ang mga halagang ipinaglaban ni Ninoy.

