Zaldy Co, haharap sa Blue Ribbon sa isyu ng flood control

France Palos
By France Palos Graphics by Stephanie Mañacap May 1, 2026 at 12:00 AM

Ipapatawag ng Senate Blue Ribbon Committee si dating kongresista Zaldy Co sa unang pagkakataon kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects, ayon kay Sen. Panfilo Lacson nitong ika-17 ng Abril.

Si Co ay nagbitiw sa puwesto noong Setyembre matapos masangkot sa iskandalo. Naglabas din siya ng mga video na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y katiwalian, subalit mariin itong itinanggi ng Pangulo.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Czech Republic upang mapabilis ang pagbabalik ni Co sa bansa, na inaasahang mangyayari sa loob ng isa hanggang tatlong linggo, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ayon sa mga opisyal, ang kaso laban kay Co ay maaaring maging simula ng mas marami pang pagsasakdal laban sa iba pang sangkot sa iskandalo.

Samantala, nilinaw ni House Infrastructure Committee co-chair Terry Ridon na hindi awtomatikong magbubukas muli ang imbestigasyon ng Kamara sa pagbabalik ni Co, at mas mainam di-umano na isang independent commission ang humawak ng kaso upang maiwasan ang conflict of interest.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman, kung saan hindi bababa sa 25 contractor at contractor-congressmen ang sinusuri.

Inaasahang makapagbibigay si Co ng mahahalagang detalye sa umano’y anomalya sa oras na siya ay makabalik sa bansa.

ABOUT THE WRITER

France Palos

France Palos

JourKnows Staffer

France Palos serves as a JourKnows Staffer under the News Desk Department

Community Discussion