P5M halaga ng sigarilyo, nasabat; 9 arestado, 6 umano’y konektado sa Coast Guard

France Palos
By France Palos May 1, 2026 at 12:00 AM

Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa magkahiwalay na operasyon sa Davao del Norte at Misamis Oriental nitong ika-18 ng Abril, kung saan siyam na suspek ang naaresto, kabilang ang anim na umano’y konektado sa Philippine Coast Guard.

Sa checkpoint sa Sto. Tomas, Davao del Norte, naharang ng pulisya ang isang van na may kargang 18 kahon ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.

Dalawang lalaki ang naaresto at nasa kustodiya na ng pulisya, kasama ang kontrabando at sasakyan.

Sa hiwalay na operasyon sa Naawan, Misamis Oriental, naaresto naman ang pitong suspek at nasamsam ang 205 master cases ng sigarilyo, na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon.

Ayon sa PNP, kabilang sa mga naaresto ang anim na indibidwal na umano’y may ugnayan sa Coast Guard.

Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na bahagi ang operasyon ng pinaigting na kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng pamahalaan at kaligtasan ng publiko.

ABOUT THE WRITER

France Palos

France Palos

JourKnows Staffer

France Palos serves as a JourKnows Staffer under the News Desk Department

Community Discussion